kapeng arabo (Manny A. Garcia)

Kapeng Arabo – Isang Paglalahad Kung Paano Mapapanatili ang Katinuan sa Saudi Arabia

Hapon ng August 2004 nang una akong dumating sa Jeddah.  Mula sa bintana ng Saudi Airlines, kita ko agad ang pulutong ng mga lalaki na akala ko’y mga pari.  Nababalot kasi sila ng puting damit mula leeg hanggang binti.  “Thobe” ang tawag don, isang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim na lalake.  “Abaya” naman ang para sa mga babae, kulay itim na telang tumatakip ng kanilang kutis mula ulo hanggang paa.

Hiwalay ang daanan ng babae sa lalake.  Paglabas ko sa pinto, ramdam ko agad ang init na tila umabot sa 48 degrees.  Kaya naman wala akong kagatol-gatol kong nasambit ang “OMG (Oh my God)!”.  Napalingon naman ang isang nagbabalik Pinoy sa harapan ko.  Hindi nya pinamukha ang pagkainis sa akin, pero basang basa ko sa kanyang mga labi ang mga katagang “ang arte!”

— Kapeng Arabo (Manny A. Garcia)

***************

Matagal na akong curious kung ano nga ba ang kalagayan ng mga OFWs sa Saudi Arabia na sa aking impresyon ay pinakasikat na dayuhang bansa na pinagtatrabahuan ng maraming Pinoy na nais magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Bata pa lang ako, aware na ako sa bansang “Saudi Arabia” kasabay sa pagiging aware ko sa bansang “America” o “Tate”.  Marami akong kamag-anak sa parte ng Nanay ko ang lumipad sa bayan ni Uncle Sam para makapaghanapbuhay at ngayon ay American citizens na.  Sa parte ng Tatay ko, may mga pinsan naman akong nagwork ng maraming taon sa Saudi Arabia.  At kalaunan, sa hindi inaasahang pagkakataon, sumunod din sa kanilang yapak at sa iba pang maraming Pinoy ang kuya ko.  Kung hindi ako nagkakamali, dalawang taon sya sa Saudi.

Hindi makwento ang kuya ko tungkol sa mga karanasan nya sa Saudi nang bumalik sya sa Pilipinas.  Kami naman ay hindi naman din nagtatanong.  Kami kasi, makita lang namin na buo at mukhang okay ang kuya namin, sapat na iyon.  Basta ang hindi ko lang makakalimutan ay yung araw ng pag-alis nya. Sa akin lang sya at sa nakababata kong kapatid nagsabi na may plano syang pumunta ng Saudi pero ang hindi namin alam ay yung araw na ‘yun mismo pala sya lilipad papuntang Saudi.  Ang nakakatawa, Tatay ko walang kamuwang-muwang na nakalabas na sya ng bansa.  Kasi nang mapansin nyang ilang araw nang di nya nakikita ang kuya ko, doon na sya nagtanong sa amin.  At labis ang pagka-inis at pag-aalala ng Tatay ko na umalis ang kuya ko na hindi nagpapaalam sa kanya.  Naging Nurse ang kuya ko sa Riyadh.

I think it was last year nang una kong makita ang librong “Kapeng Arabo”sa Bestseller Bookstore sa Robinsons Galleria.  Nababalutan sya ng plastic so hindi ko masiguro kung okay sya.  Hindi ko kilala ang awtor.  Pero parang gusto ko syang bilhin.  Parang lang.  Dahil hindi ako sigurado at kulang naman ang pera ko, hindi ko na lang binili.Matapos ang halos isang taon, nakita ko uli sya sa Bestseller sa Robinsons Galleria at dahil may pera akong extra, binili ko sya.  Naging malaking factor na hindi na sya nababalutan ng plastic so I was able to get a glimpse of what’s inside and in fairness, mukhang okay naman.  Excited akong basahin.  Sa katunayan, isang upuan lang tapos ko na ang libro.

Mahirap.  Mahirap magtrabaho sa ibang bansa lalong lalo na sa bansang Saudi Arabia na maraming ipinagbabawal sa pangkultural, ekonomikal, at pang-sosyal na pamumuhay ng tao.  Katulad ng mga sumusunod:

  1.  Huwag na huwag makikipag-usap sa babae, ni tingnan huwag susubukan, at baka bugbog at kulong ang abutin mo.
  2. Huwag magsuot ng damit na may prints na hindi mo kayang ipaliwanag, at baka akalain nagpapalaganap ka ng satanismo.
  3. Huwag magsuot ng mga alahas, para lang daw yon sa mga babae.
  4. Huwag lalakad nang mag-isa sa daan, baka mapagtripan at halayin ka.
  5. Iwasan ang mag-ahit at sikaping magpahaba ng balbas para hindi mapagkamalang kerengkeng, at baka mapagtripan at halayin ka.
  6. Kapag tumatawid sa lansangan, ugaliing tumingin sa east, west, south at north directions bago tumawid.  Kung saan saan raw kasi sumusulpot ang mga sasakyan.  Mahirap na at baka mapagtripan at…  sagasaan ka.

Isang malaking adjustment din ang klima ng bansa na nagdudulot ng pagkakalbo o matinding paglalagas ng buhok sa mga immigrant workers.  At ang pinakamatinding pagsubok:  kalungkutan.  Dahil alam nilang mag-isa na silang nakikipagsapalaran sa isang bansa na milya-milya ang layo sa Pilipinas, sa bayang nakagisnan, sa mga pamilya’t kaibigan.  At dito sa librong ito nagkaroon ako ng pagsilip sa hirap na dinadanas ng bawat Pinoy sa Saudi.  Pagsilip dahil ayon nga sa awtor na si Manny Garcia, na nakasanayan ang paggawa ng technical papers, gaya ng feasibility studies, thesis at research, at mga news item, wala sa hinakap nya na gagawa sya ng isang paglalahad na may pagka-MMK (Maalaala Mo Kaya) o kaya’y MM (Magpakailanman) ang dating, lalo’t pansarili pa.

Medyo kinulang lang ako kay Manny pagdating sa pagbabahagi ng sariling nyang karanasan.  Parang mababaw ang mga paksa na kanyang naibulalas.  Pag tungkol na sa kwento ng iba, doon na sya nagiging malalim.  Kadalasan kasi mas gusto nyang magbahagi ng sariling opinion o kuro-kuro tungkol sa gawain ng ibang Pinoy sa Saudi.

Bilang mambabasa mas tumagos pa sa puso ko yung paglalahad nya tungkol sa karanasan ng ama nya na piniling maging American citizen at ng iba pa na pumunta ng Amerika pero bumalik sa Saudi dahil nahirapang makapag-adjust.  Naging eye opener sa akin ang kwento nyang yun, yung tungkol sa mga Pinoy na nagwork sa Saudi as stepping stone para makatuntong ng Amerika.  At nang matupad, matapos ang sandaling panahon ay nagmamadaling makabalik sa Saudi para doon na lang magtrabaho. Hindi ko makalimutan ang paglalahad ni Manny tungkol doon.

Kasi kung titingnan mo kasi ang ibang naninirahan o nagtatrabahong Pinoy sa States, ang projection nila sa atin pag bumalik bayan sila ay para bang masagana at nakakariwasa na sila sa buhay.  May slang na din ang kanilang pag-i-Ingles.  Para bang natuntong na nila ang “happily ever after” ng buhay nila.  Ang totoo, mas mahirap pa pala mabuhay sa Amerika kaysa sa Saudi, ayon sa ilan nating kababayan na ikinuwento lang sa akin ng awtor sa pamamagitan nitong libro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: