mga aral na aking natutunan

Hindi mo kailangan maging abogado para magkaroon ka ng confidence na depensahan ang sarili mo.  Kung alam mong nasa katwiran ka, magsalita ka, sabihin mo ang side mo, ipakita mo ang nararamdaman mo.  Kung kailangan mong sumigaw, sumigaw ka.  Pero wag na wag kang magmumura sa harap ng taong galit ka.

Gusto mong maging mahusay na writer, o singer, o photographer? Eh di mag-aral ka, magsanay ka para maging mahusay ka sa napili mong gawain.  Walang magaling dyan na nag-umpisang magaling.  Uulitin ko, walang magaling dyan na kaagad-agad ay saksakan na ng galing.  Nagsimula muna sila sa wala.  Nangagapa pa pero ang lakas ng loob nandoon.  Ako, paborito kong hobby ang magsulat.  Sa umpisa’y may mali-mali pa sa grammar, sa umpisa’y medyo “hideous” ang pagkaka-construct ng sentences, pero sa paglipas ng panahon unti-unti na din akong nag-iimprove.  Sana mas maging mahusay pa ako.

Wag ka masyado magpapaniwala sa mga tinatawag na “expert” o mga taong may mataas na pinag-aralan kumpara sa ‘yo.  Minsan, makinig ka naman sa taong hindi edukado o hindi man lang nakatapos pero madaming karanasan at aral na natutunan.  Minsan, mas makabuluhan pa ang sinasabi nila kaysa sa sinasabi ng mga “experts” dyan na puro theories lang.  Kung sinabi ni former President Gloria Arroyo (nag-aral abroad, isang ekonomista) noon na nag-improve na ang education system dito sa Pilipinas based on reports and statistics, sus, wag ka maniwala agad.  Kahit di ka tumingin sa statistics, tingnan mo lang ang paligid mo malalaman mo na ang sagot.  Pumunta ka sa isang State U.  Makikita mo bulok pa din ang facilities, kulang-kulang pa din ang mga classroom. Kahabag-habag ang sweldo ng mga teacher.

Wag ka makinig sa sinasabi ng iba na wala namang kwenta.  Eh ano ngayon kung single ka pa din, walang boyfriend o asawa?  Just let it slide.  Mahirap dahil instinctively parang gusto mong suntukin yung mga pangit nilang mukha pero pilitin mong mag-control at pagtawanan na lang sila.   Kung sa tingin mong mananahimik lang sila kapag nagkaroon ka na ng boyfriend o girlfriend o asawa, nagkakamali ka.  Dahil kahit may boyfriend o girlfriend  ka na, pupunahin nila sa ‘yo kung kailan naman kayo magpapakasal.  ‘Pag nagpakasal na kayo, pupunahin nila sa ‘yo bakit wala pa kayong anak.  Kapag nagka-anak na kayo, pupunahin nila sa ‘yo kung kailan nyo susundan yung panganay nyong anak.  Neverending ang pagpuna ng tao sa ‘yo lalong-lalo na sa personal mong buhay.  Stop being a people-pleaser.  Sundin mo na lang kung ano ang gusto mo gawin sa buhay mo kahit ano pa ang sabihin ng iba.

Kaya tayo nabubuhay dahil naniniwala ako na may kanya-kanya tayong misyon.  Ang problema mawawala lang ‘pag nalagutan na tayo ng hininga kaya kung palagi ka na lang sumusunod sa agos, sa kung ano ang popular at magiging admirable sa ibang tao, wala kang fulfillment na makukuha dyan.  Sinasayang mo lang ang panahon mo. May kanya-kanyang standards ang bawat tao, may iba-ibang pagtingin sa success.  Kung ibabase mo na lang sa ibang standards ng tao ang mga desisyon mo, sigurado ako na di ka magiging masaya. Wala kang pinagkaiba sa isang robot na hindi nag-iisip, hindi marunong makiramdam.  Magkaroon ka naman ng sarili mong standards, buhay mo yan eh.

May natatago kang galing kahit saang kolehiyo ka man grumadweyt, kahit saan ka man nanggaling.  Eh ano ngayon kung hindi ka graduate sa top reputable schools? Hindi ibig sabihin nyan, hahayaan mo na lang alipinin ka at tapak-tapakan ng mapag-abusong employer dahil ba mayaman sila, mas may pera sila, dahil mga kapitalista sila.  May diploma ka, susi mo yan sa kalayaan at karapatang mabuhay ng matino at nirerespeto.  Pinaghirapan mo yan kapalit ng dugo, luha, at pawis na ibinuhos mo.  Hindi ka basta-basta.

Written during All Soul’s Day, November 2, 2011

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: