Help!!! Ayoko Na Sa Syota Ko! Sapagkat ang nambe-break may feelings din (Ramon Bautista)

Help Ayoko Na Sa Syota koTanggapin na natin, bago ka pa pumasok sa isang relasyon, alam mo na ang mga puwedeng kahihinatnan nito. “If you’re not ready to get hurt, you’re not ready to fall in love,” ika nga. Sa sobrang kilig, madalas nakakalimutan na natin ang lagim na maari nating sapitin kung sakaling hindi happy ending ang dulo ng love story. Tandaan, hindi pelikula o romance novel ang buhay mo.

Totohanan ‘yan.

Gustuhin man nating lahat na mauwi sa happily ever after, may malaking chance na sumablay ang mga bagay.

Sa pagkakasawi, mas umaangat mapansin, maramdaman at mas obvious ang kapangitan o kawasakan ng damdamin. Parang pa-consuelo ang mga sinasabi ng mga kaibigan natin kapag ang mga katagang binibitawan nila ay nagsisimula sa “ang isipin mo na lang…”

Ang isipin mo na lang, hindi ka na maga-gago pa.
Ang isipin mo na lang, puwede ka nang lumandi uli.
Ang isipin mo na lang, makakatipid ka sa regalo.
Ang isipin mo na lang, panget naman siya.
Ang isipin mo na lang, magkakaroon ka ng mas bago, mas magandang buhay pagbangon mo.

Valid ang mga ‘yon. Ayaw mo lang pakinggan kasi minsan masarap lang mag-dwell sa drama dahil wala namang ibang nangyayari sa buhay mo na exciting. Ine-enjoy mo ang mga sitwasyong minsan lang dumarating sa buhay mo. Sana makinig ka sa mga friends mo. At tingnan mo kung gaano ka-beautiful ang pakikipag-break.

–Ramon Bautista

_____________________

Hindi naman ito ang bibilhin ko na libro talaga. Bibilhin ko dapat yung Trese 4 na ibibigay ko sana sa pinsan kong si Stacy na nagbabakasyon sa Pilipinas. Isa kasi syang fine arts graduate na nag-major sa animation so gusto ko sana syang bigyan ng kopya ng komiks na gawang Pilipino, na parang Anime. Kaya lang yung dating malaking National Bookstore sa Robinsons Galleria lumiit na dahil diumano sa sobrang pagtaas ng renta. Kaya kumonti ang tinitinda nilang libro.

Gaya ng kutob ko, wala ng issue ng Trese 4. Hanggang sa naisip kong bumili ng kahit anong libro ni Ramon Bautista. Eto na nga yung HELP!!! AYOKO NA SA SYOTA KO! Sapagkat ang nambe-break… May feelings din.

Sa isang araw natapos ko na ito basahin, itong libro ni Ramon. Madali syang basahin kasi madaling intindihin. Madaling intindihin kasi naranasan ko ang break-up. Sa ngayon eh parang malayo na silang alaala pero basta ang naalala ko lang, right after a break-up, umiiyak ako, nagse-self pity, asking God kung may magmamahal pa ba sa akin. Kadiri pero ganun ako noon.

Ngayon, natatawa na lang ako ‘pag naaalala ko moments na ganun. Ganun yata talaga, pagdating sa pag-ibig, dito nagiging mahina ang lahat ng tao. Dito lumalabas ang insecurities na kung minsan ay walang basehan. Ngayon na wala akong issue about lovelife because I have none anyway, ang masasabi ko lang ay ito: having a man beside me is not an integral part of my being a girl. Di porket wala akong ka-holding hands na lalaki ay may kulang na sa buhay ko. Ako bilang babae ay kumpleto na. Bonus na lang kung ma-inlab ako at magkaroon ng katuwang sa buhay. At parang ito ang isa sa gustong mensaheng iparating ng awtor.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Ibabahagi ko na lang ang ilan sa mga love advice ni Ramon Bautista galing sa kanyang libro. Si Ramon Bautista ay isa ring sawi katulad ng marami sa atin kaya malalim ang kanyang pinaghuhugutan, hehe:

Q: Pag babae ka, bawal kang maging mas matalino, mas nakakatawa, mas yumaman, maging mas malandi, maging mas successful, mas malakas, at mas tumanda sa lalake. Bawal din manligaw tsaka umihi sa poste sa talahiban. Ang puwede ka lang, maging mas maganda at seksi. Pakshet ano?

Ramon: Parang disadvantaged na tuloy ang pagkakaroon ng matalas na utak sa larangan ng paghanap ng boyfriend. Minsan, maraming babae ang nagbo-bobo-bobohan o nag do-downgrade ng bilis ng brain para lang maging compatible sa boyfriend na less superior ang intelligence.

Ang masasabi ko lang, huwag ganyan mga ate, madam, at bhe. Kung nai-intimidate sila sa talino niyo, di bale na lang. Hindi sila worth it. Wag panghinaan ng loob at i-improve ang mga sarili ninyo.

Then again, sabi nga nila, maski sino, babae man o lalake, walang mata-matalino kapag in-love.

Q: Sir Ramon, nalaman ko po na may ibang GF ang BF ko ta’s buntis pa ‘yung girl. Ano na po ang gagawin ko? Help:( Mahal na mahal ko siya:(

Ramon: Sayang kasi hindi ka niya mahal na mahal. Hindi ka nga niya mahal at all eh.

Q: Ano ang dapat kong sabihin sa kaibigan ko na gustong balikan ‘yung ex niya na maraming beses na siyang niloko para sa ibang babae at pinagsinungalingan?

Ramon: “Ang tanga-tanga mo naman!!!”

Q: Sir RB, tatanggapin ko po ba ang sorry ng boyfriend ko? Sabi niya kasi hindi niya na ako bubugbugin eh.

Ramon: Huwag na, gago pala siya e. Liligaw-ligawan ka sabay ganyan? Ang deserve mo eh ‘yung magmamahal, gagalang, at mag-aalaga sa ‘yo. Ipa-pulis mo!

Q: Sir Ramon, umamin ‘yung girlfriend ko na na-fall na siya sa classmate niya na sobrang pinagseselosan ko. Mahal pa rin naman daw niya ako kahit ganu’n. Ano bang gagawin ko? Ang sakit.:(

Ramon: Hindi nakakagalit o nakakalungkot. Nakakadiri. Iwanan mo na ‘yan. Wag ka ma-depress dahil d’yan ok? Andito lang kami.

Q: Sir Ramon! I need your advice! Hanggang kailan po ba dapat ‘yung time before I should give up on a person na mahal ko? Kasi parang one sided na eh. Hihi

Ramon: Mga ngayon na.

Q: Paano mo ipapaliwanag sa hot chick na hindi mo siya gusto nang hindi siya malulungkot? Ewan ko ba kung bakit nangyayari sa ‘kin to, ‘di naman ako gwapo 😛

Ramon: Nakanaman! Pa-seminar ka naman.

Q: Na-friendzone ako. Grabe. Kumuha pa siya ng props na manliligaw “kuno” para patayin ang pag-asa ko sa kanya.

Ramon: Napaka-creative niya. Kung chicks ako, gagawin ko ‘yang technique na ‘yan.

Q: Sir, paano po ba makipag-break sa boyfriend?:( ‘Yung “pinakamadali.”

Ramon: Ang pinakamadali eh ‘yung pinakatama. Ang pagiging honest. Not necessarily pinaka-hindi-masakit pero pinakadabest.

Q: Bakit kadalasan kung sino ‘yung gusto mo siyang ayaw sa ‘yo at ‘yung ayaw mo siyang may gusto sa ‘yo? Bakit ganu’n?

Ramon: Para may challenge ang life. Kung parang t-shirt lang na madali makuha ang love eh di parang t-shirt din na araw-araw tayo nagpapalit ng love.

Q: Sir RB, ‘yung GF ko niloko ako, naghanap ng iba. Pero di niya pa din ako binibitawan at nilagay ako sa friendzone. Hindi niya daw ako kaya mawala kasi ako lang daw nakakaintindi at nakakaunawa sa kanya. Ano gagawin ko?

Ramon: Malandi ‘yang GF mo at makapal mukha niya ginagawa ka pa niyang reserba. Anong gagawin mo? Do whatever makes you less tanga… isip!

Q: Gusto ko nang makipag-break pero hindi ko kayang ma-lonely. Tulungan mo ako, sir RB. Ikaw lang ang makakasagot nito!

Ramon: Lumo-lonely ka kasi hindi mo kayang mag-generate ng sarili mong fun. Inaasa mo sa boypren. Pag inunahan ka i-break niyang syota mo, e di iiyak ka na naman. Learn to be awesome on your own.

Q: Hi sir! I broke up with my ex who cheated on me and now has a kid (nabuntis niya ex niya while we were together). I know I did the right thing but why do I feel as if what I did was the wrong move?

Ramon: No, you did the right move. You don’t need guys like that. Cheating na, irresponsible pa. Ngayon, the baby needs him.

Q: Sir Ramon, ano pong gamot sa insecurity?

Ramon: Galingan mo sa life at mag-excel sa, at least, isang bagay para mayroon kang mapapagyabang.

Q: Sir RB, what’s the quickest way to move on from a horrible past?:( I’ve been stuck with it for quite some time now and am already getting tired. Help pls.😦

Ramon: Go get some wonderful future and have a superb present.

Q: How would you know if a married guy is serious about you?

Ramon: ARE YOU NUTS?!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: