Dear media professionals and journalists,

Ako po si Jezzamine Andaquig, 37 years old, at pitong taon nang naninirahan sa Amityville Subdivision, Bgy. San Jose, Rodriguez, Rizal. At ito po ang aking report.

Kawawa ang bayan ng Rodriguez, Rizal. Na-sample-an kami ng klase ng magulong paglilingkod serbisyo ng lokal na gobyerno ng Rodriguez, Rizal na pinangungunahan ni mayor Cecilio Hernandez. May inireklamo kami kay mayor na proposed cell site sa Block 11 Lot 1 Mt. Samat St., Amityville Subd.,  Bgy. San Jose, Rodriguez, Rizal na kanyang inaprubahan kasama ng kanyang mga konsehal. Nagkaroon ng hearing 19 January 2016. Nagkaroon ng temporary Notice of Suspension with Cease and Desist Order 25 January 2016 dahil sa aming reklamo na walang ECC ang naturang cell site, walang consent from the homeowners and residents. Nagkaroon ulit ng hearing 23 February 2016. Kami ay ni-request na mag-submit ng position paper. Nagsubmit kami position paper three working days later 29 February 2016.

Noong 19 March 2016, Sabado, nakatanggap kami ng plain document na nirerekomendang tanggalin ang cease and desist order, isang rekomendasyon galing kay Atty. Pascul De Guzman, legal counsel ni mayor Hernandez, dahil kumpleto naman daw ang papeles ng contractor sa pagtatayo ng cell site pero walang presentasyon o pagpapakita ng sinasabi nilang kumpletong papeles. Si Atty. Pascual, sya nga pala yung abogado ni mayor na during the 23 February 2016 public hearing ay lantaran ang pagdedepensa sa kabilang panig.

Pagsapit ng 30 March 2016, dumating ang kopya ng notice mula kay municipal engineer/building official, Engr. Alexander Almario, at mayor Cecilio Hernandez na inaalis na nila ang cease and desist order sa naturang cell site na aming ninanais na ipatigil. Sa notice na iyon, walang naka-attach na resolusyon mula sa Office of Sangguniang Bayan, na ito’y dininig ng mga miyembro ng council.

Sa kabila ng aming nai-submit na petition letters pirmado ng homeowners and residents, sa kabila ng mga obvious na katibayan, itinuloy pa rin nila ang pagko-construct ng cell site. Paano nangyari iyon? Dahil yung sinasabing survey na ginawa ng contractor ay pirmado halos ng construction workers at informal settlers. Kung hindi panloloko ang ginagawa sa amin ng lokal na gobyerno ng Rodriguez, Rizal kasabwat ang DC Sandil (na pagmamay-ari diumano ni Gov. Ynares), contractor Dominer Pointe Inc., at subcontractor BACDCC Telecom Agent Corp., at ilang opisyales ng homeowners association, ano ang tawag dito?

Ang kanilang baluktot na pagdadahilan na may pattern naman, may cell site na rin naman sa ibang parte ng Rodriguez, Rizal ay nangyari lamang dahil walang nagreklamo sa mga residente. At sa kabila ng aming naging emosyonal at derechong pagke-question at pagtutol sa cell site noong public hearing, iginigiit pa rin nila na walang ginawang mali ang contractor, ang mayor, at ang ilang opisyales ng asosasyon.

Tuloy pa rin ang laban sa pagpapatigil ng Dominer Pointe Inc./BellTel Phils. cell site na sa kasamaang palad ay malapit lang sa aming mga tahanan.

This picture was taken on 2 April 2016, Saturday.

Exif_JPEG_420

Photo taken on 2 April 2016, Saturday.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: