Perfecto F. Fajilagot

Mang Per

Photo courtesy of Vincent Silarde

O mas kilalang si Mang Per.

Kung isa ka sa mga bata noong ‘80s, ‘90s at nag-aral ka just around UP Campus, kilala mo sya. “All-around” photographer, meaning, he always got hired as a photographer during graduation and other occasions in University of the Philippines Integrated School, Balara Elementary School, Balara High School, Krus na Ligas Elementary School, Krus na Ligas High School, or just anywhere in UP Campus. He’s just all around UP Campus. Isang permanenteng imahe around UP Campus si Mang Per. Makikita mo syang nagbibisikleta, na naka-dark shades, hat, and a camera hanging from his neck. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang kanyang sense of style. Kaya kahit tumanda na sya, ang mga bata noon na lumaki’t tumanda na rin ngayon ay nakikilala pa rin sya na para bang isa nilang matalik na naging kaibigan.

Kaya nang mabasa ko ang repost sa Facebook ng aking former neighbor sa Amorsolo, si Elaine Garcia, tungkol kay Mang Per noong June 8, 2016 (Wed), ipinost ko rin ito agad sa aking Facebook. Tungkol iyon sa masamang kalagayan ni Mang Per at nagsusumamo ang post na iyon ng tulong. Pero parang hindi matahimik kaluluwa ko. Parang hindi sapat na i-repost lang ang kanyang larawan na kasama si Incredible Hulk na nag-iinform ng masama at magandang balita. Masama dahil may sakit si Mang Per. Maganda dahil merong tumutulong sa kanya. Ang post na iyon ay ginawa ng mga magiting na guro ng Phsop Preschool. At noong June 14 (Tues), nakilala ko ang dalawa sa kanila, si teacher Tricia and teacher Lui at nakikamusta ako tungkol kay Mang Per (at para na rin maiabot ang aking munting tulong).

Nalaman ko na nasa Quirino Memorial Hospital sya, sa may Katipunan. Nalaman ko na tumatambay si Mang Per sa Phsop Preschool kung saan iniiwan din nya ang kanyang bisikleta. Marami silang ikinuwento sa akin basta ang naaalala ko, yung bisikletang iyon ilang araw nang hindi binabalikan ni Mang Per. Ilang araw na rin nilang hindi pa nakikita si Mang Per at dun na sila nag-alala.

Si Mang Per ay matandang binata, nagsosolo sa kanyang tirahan, at umuuwi lang sya sa isang maliit na kwarto sa Pansol na binabayaran nya ng P1,500 kada buwan. Isang maliit na kwarto na ang tanging kasya lang na gamit ay higaan at isang lagayan kung saan pwede sya umihi. Ang banyo ay nasa kabilang ibayo pa maglalakad ka pa ng hanggang apat na bahay bago ka makarating. Tapos pagtungtong mo sa banyo ay isang kwentong nakakarimarim. Kaya siguro tuwing pumupunta si Mang Per sa Phsop Preschool na nasa likod lang ng UP Chapel nagmamadali daw itong pumunta sa banyo para doon dumumi. Ang kwento nila, nang mahagilap nila si Mang Per kung saan ito nakatira sa Pansol, nakita nila syang nakahiga’t nanghihina, malaki ang tyan, at hindi makabangon. Agad nila syang dinala sa UP Infirmary. Kwento nila from Pansol isinakay si Mang Per sa pedicab to UP Infirmary. Naka-crossed legs pa daw sya habang nakaupo sa pedicab, habang tinitiis yung pananakit ng tyan nya.

Ang sumasakit at bloated na tyan ni Mang Per ay sanhi ng mga duming tumigas na sa kanyang intestines, so nagkaroon ng blockage. Hindi ko alam ang tawag pero ito ang sakit ni Mang Per. Kaya advice ng doktor dalhin na sya sa ospital. Mula UP Infirmary dinala sya sa Quirino Memorial Hospital sa tulong ng mga kaibigan nyang teachers from Phsop Preschool.

Nalaman ko din na malihim na tao daw si Mang Per. ‘Pag tinatanong daw nila sya kung may pamilya sya dito sa Maynila o kung saan man, sinasabi nya na nag-iisa na sya sa buhay. Kung hindi pa dinala sa ospital, kung hindi pa nila pinakialaman ang wallet nya, hindi nila madidiskubre na ang buong pangalan pala ni Mang Per ay Perfecto F. Fajilagot. Na-diskubre din nila na may kamag-anak pa pala sya na nasa malayo nga lang, nasa probinsya. Kaya kinontak nila kamag-anak ni Mang Per using the contact numbers na nakita nila sa wallet ni Mang Per.

O nga pala, noong 2013 nakita ko sa may Ever Commonwealth si Mang Per. Nagpakilala ako na isa sa mga bata na napiktyuran nya. Grabe ang tuwa ko nang makita ko sya (hindi na kasi kami nakatira sa UP nun lumipat na kami ng address). Kwela lang sya kung kausap mo. Tinanong ko kung ilang taon na sya. Sabi nya 70+ years old na sya. A few days ago nalaman ko na mas matanda pa pala sya. He’s now 80+ years old. Hindi ko mabigay specific edad nya kasi kahit daw mga kapatid nya hindi alam birthday ni Mang Per. Basta ang alam nung isang kapatid nyang lalaki na 78 years old na, mas matanda sa kanya si Mang Per.

Kanina nga pala binisita namin ni Elaine si Mang Per sa Quirino Memorial Hospital, around 7 o’clock ng gabi (4PM to 8PM ang visiting hours doon). Ngayon lang kami nagkita ni Elaine after more than two decades na isa lang layunin ng pagkikita, mabisita si Mang Per.

Pagpunta namin sa Surgery Ward 2nd floor, hindi namin sya makita sa mga nakahigang pasyente. May nakita akong payat na matanda na nakahiga na nakatalukbong ng twalya yung mukha. Nilakasan ko boses ko sabi ko, “Mang Per.” Ayun, sya nga. Pagtanggal nya ng towel sa mukha naka-dark shades sya. Confirmed! Si Mang Per nga!

Umupo kami ni Elaine sa tabi nya. Noong una pa nga nahihiya pa kami pero sabi nya upo daw kami. Nagkamustahan, nagkakwentuhan kahit alam namin hindi nya kami kilala. Pero kami kilala namin sya. Sabi ko sa kanya kami yung maliliit na bata na kinuhanan nya ng picture noon. Sinabi ko na nag-aral ako sa Balara. Sinabi ko na nalimutan ko dalhin yun picture noong bata ako na sya ang kumuha. Ang nagbabantay kay Mang Per sa ospital ay yung kapatid nyang babae na sumunod sa kanya, si Erlinda. Syam pala sila magkakapatid, panlima si Mang Per.

Nag-request si Mang Per na isulat ko daw ito sa Facebook. Isulat ko daw ang kwento ng kanyang buhay. Na taong 1958 nang pumunta sya dito sa Maynila. Na naaliw sya sa mga taong may hawak na camera at kumukuha ng pictures at dito daw nag-start interes nya sa photography na naging hanapbuhay nya sa matagal na panahon. Kumikita daw sya noon ng P30,000 to 50,000. Yun nga lang ‘pag may pera daw sya isinusugal nya daw ito. Nang nauso ang digital camera at DSLR, dun sya nawalan ng trabaho. Kasi kahit nauso na digicam, film camera pa rin gamit nya. At lahat na daw ng tao kasi pwede nang maging photographer basta may camera lang. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa kanya hindi nya kilala, nagpakilalang isa sa mga batang napiktyuran nya noon at binigyan sya ng DSLR. Kinamusta ni Elaine kung buhay pa yung kamera. Sabi ni Mang Per nanakaw daw sa jeep.

Si Mang Per kwela pa rin kahit may sakit. Nakahiga sya nung una eh tapos bumangon, kuhanan daw namin sya ng picture. Inutusan pa nya kapatid nyang si Erlinda na kunin ang tanging kayamanan nya daw, yung hat nya na kulay brown. Sinuot nya ito for the picture-taking.

With Mang Per4

With Mang Per5

With Mang Per2 (2)

Get well soon, Mang Per!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: