Imagine You & Me

aldub1Unang-una, ang ganda ng cinematography (napaka-ganda ng Italy). Ang ganda ng soundtrack. At ang pinaka-importante sa lahat, ang ganda ng istorya. Akala mo typical love story, mababaw na pampakilig. Akala ko I’d just sit back and relax while watching the movie. Hindi pala.

“Imagine You & Me” starring Alden Richards and Maine Mendoza is a story that talks about that universal desire of finding that one true love. Of finding that missing piece in a puzzle called love story. And it also talks about love in letting go. Aaminin ko, dito ako naluha. Yung kwento ni Isay (played by Jasmine Curtis), ex-girlfriend ni Andrew (played by Alden) na may cancer truly hits home. (I have loved ones who died of cancer.) Doon sa kwento, pinili ni Isay na hindi magpatingin sa doktor o magpagamot. Dahil ayaw nyang mamatay sa ospital at ayaw nyang mahirapan ang mahal nya sa buhay. Pinili nyang hayaan ang sakit nya na patayin sya ng dahan-dahan. Gusto ko itong part na ito kasi dati may napanood akong movie about a person with AIDS, isang French movie yata yun, na pinili na hindi magpagamot para mabuhay. Bagkus pinili nya nang harapin ang itinadhana sa kanya, ang mamatay, habang dahan-dahan syang tinutupok ng kanyang sakit.

Going back to “Imagine You & Me,” from 1 to 10, 10 being the highest, I’d rate it 9. Bakit hindi perfect 10? Kasi hindi ako naniniwala sa philosophy ng movie na may missing piece ‘pag wala kang boyfriend/girlfriend or husband/wife sa buhay. If this is the kind of values or mindset put into the head of the young people who watched the movie and believed it, they’d be miserable. I think having a significant other is a bonus on top of God’s blessings. It’s a gift, not a goal. And when you receive that gift, that someone to love and love you back, you should seize and cherish that opportunity. Because it comes few and far in between. At ito nga ang pinili na mangyari ni Gara (played by Maine) at ni Andrew na nagdulot ng saya sa aming manonood.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: