Monthly Archives: January, 2018

Orly

Sa pagtulog, kadalasan hindi mo alam na nananaginip ka na pala. Akala mo buhay ang diwa mo, gising.

Naglalakad daw ako sa isang room nang makita ko si Orly na sa malayo pa lang nakatayo at nakangiti sa akin. Alam kong patay na sya pero nang makita ko sya ngumiti din ako at binati sya ng hello.

May iba pang mga detalye sa panaginip ko pero ito lang ang natatandaan ko. Bigla kong naalala: nang binisita ko sya sa NKTI noon, tulog sya. Buti nandun ang misis nya at sa kanya ko inabot ang aking munting tulong. Nag-usap kami sandali ni Lizette, asawa ni Orly. Nandun din si Janice, kapatid ni Orly.

Sabi ni Janice, ilang araw matapos ang pagbisita ko, ako lang daw ang nakita nyang kapitbahay na babae na bumisita sa ospital. Hindi ko masabi na act of bravery sa akin ang pagpunta roon, natatakot sa kung anong madadatnan na itsura nya. Inisip ko na lang yung aim ko: ang mag-abot ng tulong na pinansyal sa abot na aking makakaya. Dahil dito, dito ko nakausap si Janice sa unang pagkakataon. Later on naging FB friend na rin.

Bata pa lang ako kilala ko na sina Janice at Orly, dalawa sa mga anak ng kapitbahay naming si Mang Pol at ng kanyang butihing asawa. Pero dahil hindi na ako naglalalabas ng bahay nang nasa edad syam o sampu na ako, never ko nakasalamuha sila noong bata pa kami. Nakikita, oo.

Ika-20 ng Nobyembre ng 2017 nang binawian na ng buhay si Orly sa edad na 39. Si Alvin ang nagbalita sa akin.  Si Alvin, sya yung kaibigan ni Orly. Magkaklase sila noong high school. Naging kaklase ko naman si Alvin sa elementarya.

Di ko mapigilang umiyak nang matanggap ang balita. Buti nabigyan pa kami ni Orly ng pagkakataon na magkakilanlan. Taong 2016 nang una kong makausap si Orly nang malapitan at masinsinan, kasama sina Elaine at Roman, na nakausap ko na lang din sa pagkikita na iyon. Although si Elaine, na-meet ko na once before that meeting. At ang hindi ko malilimutan sa meeting na iyon: ang gwapo pala ni Orly. Ngayon ko lang napansin.

Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isipan ko yung panaginip na iyon na nagkita kami ni Orly. Ang ganda ng ngiti nya, abot tenga.

Subconscious ko lang ba ang nag-ooperate kaya ko sya napanaginipan? Kasi ako paniniwala ko nasa mas maayos na syang kalagayan, kasama ang Diyos na lumikha sa sangkatauhan. O nagpakita si Orly through my dreams? Ang gandang isipin kung ganun nga.

Advertisements

New Year Cake

Celebrating New Year 2018 with Chocolate Smores from Amici/ Caramia. Just light and sweet.

Look at that! Tastes delicious, too, after eating a hearty meal. Just enjoy.